Ginang, Arestado sa Kasong Pananakit!

Cauayan City, Isabela – Inaresto ang isang ginang sa paglabag sa kasong slight physical injuries sa Villegas Village, San Fermin, Cauayan City bandang alas 9:45 kagabi, June 27, 2019.

Kinilala ang akusado na si Menelissa Asiddao, 37 anyos at residente ng Cortez St., Brgy. District 2, Cauayan City, Isabela.

Inaresto si Asiddao sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinilabas ni hukom Mary Jane Socan Soriano ng MTCC Cauayan City para sa nasabing kaso.


Wala namang inirekomendang piyansa ang hukuman sa paglaya ng akusado.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng kapulisan si Asiddao para sa kaukulang dokumentasyon at disposisiyon.

Facebook Comments