5 Christmas Pasyalan sa Metro Manila

IMAGE FROM: SM MALL OF ASIA OFFICIAL (FAEBOOK)

Taun-taon ipinagdiriwang ng mga pilipino ang pasko, dahil para sa atin ito ang isa sa pinaka masayang selebrasyon na hindi natin pwedeng palampasin, pero para mas maging masaya at mas maging makulay ang ating pasko, naglalagay tayo ng iba’t ibang palamuti sa ating mga tahanan tulad ng mga Christmas tree, Christmas lights at kung anu-ano pa. Pero ang diwa ng kapaskuhan ay hindi lamang makikita o nararamdaman sa loob ng tahanan kundi maging sa labas ng ating bahay.

 Kung ikaw ay taga Metro Manila na naghahanap ng mga Christmas attractions na “Instagrammable” at perfect for selfie. Narito ang mga lugar na pwedeng pwede mong pasyalan:

 

AYALA FESTIVAL OF LIGHTS: REIMAGINE THE MAGIC


IMAGE FROM: AYALALAND.COM.PH

Location: Ayala Triangle, Makati City

Noong November 9, 2018 nagbukas ang Ayala Land’s Festival of lights. Makikita sa mga Christmas lights na ito ang Life-size Mickey Mouse theme, na talaga namang kahuhumalingan ng mga taong mapapadaan dito, kasabay ng mga makukulay na ilaw, mapapakinggan din ang Disney soundtracks. Bukas ito sa publiko mula 6pm hanggang 10pm na magtatagal hanggang January 8, 2019.

 

CHRISTMAS CANDY CAKES

IMAGE FROM: GREENHILLS.COM.PH

Location: V-Mall, Greenhills, San Juan

Ang Christmas attraction na ito ay matatagpuan sa V-Mall. Dahil sa nakakahumaling at makulay na candy house na ito, maraming mga tao ang pumupunta dito ngayong panahon ng kapaskuhan, saksihan ang 30-foot pastel-colored attraction na ito araw araw mula 11am hanggang 9pm.

 

TIENDESITAS CHRISTMAS LIGHTS TUNNEL

IMAGE FROM: IT’S MORE FUN WITH JUAN

Location: Tiendesitas, Ortigas East

Ito ang pangalawang taon na pagbubukas ng Chrsitmas lights tunnel na ito dahil ramdam na ang mga Christmas shoppers sa Tiendesita’s Mall, mayroon itong mahigit 2000 pixels of light. Bukas ito mula 6pm hanggang 10pm hanggang January 7, 2019.

 

FILINVEST CITY CHRISTMAS DISPLAY

IMAGE FROM: PHILSTAR.COM

Location: Filinvest City, Alabang, Muntinlupa

Dahil ang totoong diwa ng pasko ay pagsasama sama, isa ito sa mga dahilan kung bakit itinayo ang Christmas display na ito. May haba itong 40 foot Christmas tree, at Hot air balloons na magpapa excite sa ating lahat. Tara na! Balik tayo sa ating pagkabata at puntahan natin ang atraksyon na ito!

 

SM MALL OF ASIA’S THE GRAND FESTIVAL OF LIGHTS

IMAGE FROM: SM MALL OF ASIA OFFICIAL (FAEBOOK)

Location: SM Mall of Asia North and South Arcades

Dadalhin ka ni Santa Claus at ng kanyang mga kaibigan sa SM Mall of Asia na may malalaki at maliliwanag na Christmas lights at makukulay na fireworks displays sa darating na kapaskuhan, libre lang ito mula November 24, December 1, 18, 15, 22 at sa araw ng pasko December 25 simula 5PM.


Article written by Mark Anthony C. Herero

Facebook Comments