5 Dahilan Kung Bakit Nag-aaway ang Magkarelasyon

IMAGE:RADIO.COM

Ikaw ba ay nag tatka kung bakit madalas kayong nag aaway ng iyong karelasyon? Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nag-aaway ang magkarelasyon:

1. Hindi pagkakaintindihan – Sa isang relasyon, mahalaga ang understanding o ang pag intindi mo sa iyong partner sa buhay. Kaya kung madalas kayong di nagkakaintindihan o di kayo marunong umintindi ng side ng iyong partner, magdudulot ito ng matinding away na kahit na maliit na bagay, lumalaki at imbis na pagusapan ay mas madalas na nagkakainisan.
2. Selos – Tiwala ang isa sa pinakamahalagang parte ng relasyon, kaya kung hindi pa ito buong nakukuha sa iyong partner isa ang selos ay isa sa mga malaking rason kung bakit nag aaway ang magkarelasyon. Minsan kahit na kaibigan mo lang ang isang tao ay pinag seselosan pa rin.

 
3.  Pride – Kung ikaw ay ma-pride na tao at hirap mag patawad agad, ito ay magiging dahilan nang malaking away sa iyong relasyon. Imbes na magkapatawaran at pagusapan ang problema, mas lumalaki at lumalala pa ito.
4. LDR (Long Distance Relationship)  – Sa isang relasyon, mahalaga ang nagkikita at nagkakaron ng quality time para sa isa’t-isa, kaya kung ikaw ay nasa isang LDR na relasyon, asahan ang di pagkakaintindihan dahil ang pwede nyo lang gawin ay maghintay sa oras at araw na pwede na kayo magkita.
5. Walang Time – Mahalaga ang pagbibgay ng time sa iyong karelasyon, kaya kung ikaw ay di nakakapag bigay ng oras para makapagusap man ang kayo o magkita ng iyong partner, asahan ang away, mga tamang hinala, at ang panlalamig ng iyong partner.

Article written by Beatriz Oliveros

Facebook Comments