Tanggapan ng PESO sa Cauayan City, Kasalukuyan ang Recruitment Activity!

Cauayan City, Isabela – Hinihikayat ng Cauayan City Public Employment Service Office o PESO ang mga CauayeƱong naghahanap ng mapapasukang trabaho na magsusmite ng resume sa kanilang tanggapan.

Ito ay matapos na magtungho ang mga local at international company sa tanggapan ng PESO upang ihatid at ipaabot sa mga mamamayan ang mga job vacancies na maaari nilang aplayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay PESO Officer Jocelyn Tagudando, sinabi nito na kasalukuyan umano ang kanilang rectuitment activity ngayong buwan ng Agosto hanggang sa buwan ng Setyembre.


Aniya, kabilang umano sa mga iniaalok ay ang domestic helper at mga lokal na trabaho dito sa lungsod, ngunit ang mas tinatangkilik umano ay mga trabaho dito sa lungsod ng Cauayan.

Pangunahin din umano sa hinahanap ng mga local campanies ay ang mga graduate ng 4 year course tulad ng Information Technology, Business Course at Agriculture.

Maari rin umano na magtungo sa tanggapan ng PESO ang mga nagtapos ng High School, Skilled Workers at maari ding bisitahin ang kanilang Facebook Page para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga job vacancies.

Facebook Comments