5 deputy director general ng TESDA, kinwestyon sa Senado

Kinwestyon sa deliberasyon ng budget sa Senado ang pagkakaroon ng limang deputy director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Nababahala si Senate President Juan Miguel Zubiri na sakaling hayaan ito ay posibleng madagdagan pa ang mga deputy director general sa TESDA na dapat ay nasa dalawa lamang.

Kinuwestyon din ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, dating namuno sa TESDA, kung ano ang trabahong ginagawa ng sobrang director general.


Natanong naman ng mga senador si TESDA Director General Danilo Cruz tungkol sa isyu at sa pahayag nito apat na ang deputy director general ng TESDA na kanyang naabutan mula sa nakalipas na administrasyon kaya apat din ang isinumite nilang aplikasyon at ang panglima ay itatalaga naman bilang Deputy Director General for Special Concerns.

Pero kinontra ito ni Zubiri at sinabing labag pa rin ito sa batas at hindi ito naayon sa kanilang charter.

Kung nais aniya ng TESDA na magkaroon ng higit sa dalawang director general dapat ay pinaamyendahan muna nila ang batas na lumikha sa kanilang tanggapan.

Facebook Comments