5 e-sabong website at 8 social media page, bistado ng PNP!

Nadiskubre na ng Philippine National Police (PNP) ang lima pang websites at walong social media pages na nag-o-operate pa rin ng “e-sabong” kahit pa ipinatigil na ito ng pamahalaan.

Nabatid na ang mga nabistong websites at social media pages ay bukod pa sa pitong e-sabong sites na nauna ng nadiskubre ng mga otoridad.

Ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group spokesperson Police Lieutenant Michelle Sabino, sa 12 na nabisto, 10 dito ay mula sa ibang bansa kaya hindi nakarehistro sa Pilipinas habang ang dalawa namang nakarehistro sa Pilipinas ay may mga administrator at operator.


Dagdag pa ni Sabino na nangyayari ang transaksyon sa Facebook kung saan nakikipag-ugnayan ang mga tumataya sa mga admin ng page at tsaka sila bibigyan ng link para makapag-download.

Matatandaang ipinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ang e-sabong kasunod ng pagkawala ng 34 sabungero.

Facebook Comments