5 evacuees sa Marikina na nagpositibo sa COVID-19, bumubuti na ang lagay

Inihayag ni Mayor Marcy Teodoro na stable na ang lagay ng limang evacuees na nagpositibo sa COVID-19.

Aniya walang ng sintomas ng sakit ang limang evacuees pero nananatili pa rin ang mga ito sa quarantine facility ng lungsod.

Tapos na din aniya ang kanilang ginawang surveillance sa mga evacuees kaugnay sa COVID-19, matapos magpatupad ang alkalde ng rapid testing sa lahat ng mga pamilyang nasa evacuation center ng lungsod.


Dagdag pa niya nag negatibo naman sa COVID-19 ang lahat na nakasalamuha o close contact ng limang COVID-19 positive na evacuees.

Sinabi rin ni Teodoro na nabawasan na ang bilang ng mga pamilyang nasa evacuation centers, kung saan mula 10,548 families bumaba na ito sa 1,221 families.

Matatandaan, inilikas ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang libo-libong pamilya sa lungsod matapos magkaroon ng malawakang pag baha na dulot ng Bagyong Ulysses.

Facebook Comments