5 Extra Income Ngayong Paparating na December

191

Isang buwan na lang at magdidisyembre na! Habang papalapit nang papalapit ang Holiday Season, talaga namang hindi matatawaran ang kagustuhan ng mga Pilipino na ipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan. Sa mga handaan, pagreregaluhan, pagbibigayan at pag shopping ay siguradong paglalaanan ito hindi lang ng oras kundi ng pera. Hindi maiiwasan ang malaking gastos na tiyak na uubusin at sasagarin ang laman ng mga pitaka natin. Bakit hindi mo subukang gawing mas makabuluhan ang buwan ng Disyembre sa pamamagitan ng paghahanap ng extra income?

Narito ang ilan sa mga maaari mong gawin upang makatulong balansehin ang mga paparating na gastusin:


  1. Online Selling (Pre-love Items)

Sikat na sikat ngayon ang mga aplikasyon na madaling mahahanap sa playstore tulad ng Lazada Express, Shoppee, OLX, Carousell at marami pang iba! Pwedeng-pwede mong ibenta ang mga lumang bagay o pre-love items ngunit mapakikinabangan pa tulad ng mga sapatos, bag, damit, gadgets, furniture o kahit ano pang luma, ngunit may silbi pa at nasa maayos na kondisyon. Uso ito ngayon dahil mas pinadali ang paraan ng pagbebenta at pamimili. Ang kinaganda ng online selling, bukod sa kikita ka, hawak mo pa ang oras mo dahil ikaw ang magtatakda ng oras, lugar at paraan ng pagbayad sa mga online shoppers.

  1. Offer e-loading services
IMAGE FROM: YOUTUBY.XYZ

Halos lahat ng mga Pilipino ay gumagamit ng cellphone, pupwede mo itong pagkakitaan sa pamamagitan ng e-loading services o pagloload sa mga sim cards. Kailangan mo lang masigurong bukas para sa lahat ng network ang iyong e-loading gaya ng Smart, Globe, TNT, Sun at TM upang mas malawak at marami kang makuhang kostumer. Maliit ngunit malaking tulong ang kikitain mo sa e-loading services. Magagawa mo rin ito kahit saan at kahit anong oras kaya naman isa itong madaling pagkukunan ng extra income.

  1. Tutoring English Online
IMAGE FROM: PSST.PH

Karamihan sa mga Pilipino ay marunong magsulat at may kakayahang magsalita ng Ingles kaya isa rin itong magandang oportunidad na pumasok bilang isang private online tutor. Maraming naghahanap online ng mga private tutor tulad ng ACADSOC Online tutor club kung saan maaari kang kumita ng 100 pesos kada oras. Kung susumahin ay malaking tulong na ito bilang extra income at isa ring kinaganda nito, kahit nasa bahay ka lang ay magagawa mo ito ngunit mas mainam kung may sarili kang laptop o computer na gagamitin para hindi ka mahirapan at mas mabilis mo itong matatapos.

  1. Offering Skill Services

Maaari mo ring pagkakitaan ang sarili mong skill o kakayahan na madalas mong ginagawa o hobby tulad ng pagpinta, event performer, paggawa ng Calligraphy, pagsulat ng mga kwento, pagiging personal trainee at marami pang iba kung saan kumikita ka na, nahahasa at na-eenjoy mo rin ang ginagawa mo dahil hobby mo ito.

  1. Magbenta ng pagkain

Isa pang maaaring pagkakitaan ang pagbebenta ng mga pagkaing naayon sa okasyon. Tulad ngayong paparating na Disyembre, usong-uso ang mga pagkaing maihahanda sa Noche Buena tulad ng spaghetti, manok, hamon, mga kakanin, mga matatamis na pagkain at marami pang iba. Maaari kang magbenta sa tapat ng iyong bahay, maglako-lako o magtinda online. Siguradong mahihikayat mo ang mga tao dahil marami ang naghahanap ng mura ngunit masarap na maihahanda sa Pasko.

 


Article written by Mickaella Pelobello

Facebook Comments

From Advertisers