Cauayan City, Isabela- Tatanggap ng financial assistance ang limang (5) Farmers Cooperatives and Associations at dalawang (2) Local Government Units sa ilalim ng Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita Inclusive Food Supply Chain Program ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02.
Ilan sa mga ito ay ang Villaverde Development Cooperative, Kasibu Farmers Multipurpose Cooperative, Agrizcaya Cooperative, Happy Farmers’ Cooperative sa Nueva Vizcaya; Baguio Village Development Cooperative sa Diffun, Quirino; at LGUs Rizal at Sta. Ana sa Cagayan.
Ayon kay Ma. Rosario Paccarangan, Head, Agribusiness and Marketing Assistance Division, sa ilalim ng programang ito ay sakop ang pagkakaloob ng tulong pinansyal para higit mapalawig ang kakayahan ng mga FCAs sa usapin ng food supply chain.
Aniya, sa paraang ito ay maaring magamit sa agri-produce, initial processing, packaging, transport, at distribution of agri-fishery commodities.
Nahati naman sa tatlong kategorya ang pagbibigay ng tulong, layon ng Type A na bigyan ng pondo ang mga aktibidad na nagdaragdag halaga na kumakatawan sa mga magsasaka kung saan ay maaaring makakuha ng P200,000 hanggang P1,000,000; layunin naman ng Type B na bigyan ng pondo ang mga consolidator at mga namamahagi ng ani sa merkado, maaaring bigyan ang P500,00 hanggang P5,000,000; layunin naman ng Type C na bigyan ng pondo ang mga samahang nakabatay lang sa isang pamayanan para sa pagsisimula ng kanilang pagpapatakbo sa negosyo at maaaring mabigyan ang mga ito ng P50,000 hanggang P150,000
Layunin ng three-day writeshop ay ang tumulong sa mga nagbibigay ng ilang project proposals, refinement of business operations, at financial feasibility at identification of direct beneficiaries, isa sa mga kinakailangan na mabigyan ng tulong.