Ang pressure sa pagiging financially stable, sa ating henerasyon (Millenials) is at it’s peak specially kapag ikaw ay nasa iyong early or Mid 20’s. Kumuha ng stable na trabaho, earn your 1st million, getting a car, pero how do you achieve all this without fixing your finances?
Being ahead of your finances is not as easy at it seems, pero kung alam mo ang iyong gagawin at magsisimula ka ng maaga, malayo ang iyong mararating.
Here are some tips sa paghahanda para sa iyong Financial stability:
- MAG-SET NG BUDGET
I-track ang pagpasok at ang paglabas ng iyong pera. Sa paraang ito, makikita mo ang iyong cost of living. Siguraduhing i-update ito kasabay ng iyong lifestyle at goals. Kapag natantiya mo na ang iyong true cost of living, maaari ka nang maghanda para sa mas malalaking gastusin, makakapagtakda ng mas “fullfiling” na saving goals at mararamdaman mong YOU ARE ON TOP of your budget, making spending and saving balanced.
- UNAHIN ANG BASICS
Maaaring hindi pa ganon kalaki ang iyong budget upang makapagsimula kaagad ng malakihang ipon, kaya sa pagsisimula, dapat ay payak at simple ang iyong mga choices gaya na lamang sa mga gamit, lifestyle at kahit life insurance.
- BUILD A HABIT OF SAVING
Isa sa pinakaimportanteng hakbang patungo sa financial security ay ang PAGIIPON. It could get confusing pero with dedication and a little bit of sacrifice, you’ll get there. Simulan sa pagbabawas ng UTANG, maaaring credit card debt o utang man yan sa kaibigan o kaopisina, umiwas din sa credit card debt– oo convenient ngunit di natin napapansin ay unti-unti na tayong nababaon sa utang. Kung ikaw naman ay kumikita, gawing takda ang pagiipon ng kahit tatlong (3) buwang halaga ng sahod para sa mga emergency o di inaasahang gastos. You might also want to take a look sa retirement savings, dahil napakalaking tulong nito pagdating ng panahon.
- INVEST
Pag naayos mo na ang iyong ipon, marahil ay dapat ka nang magsimulang mag-invest. Unti-unting simulan ang pagiinvest sa long-term na assets. Pinakamahirap na parte sa pag-iinvest ay ang pagsisimula, ngunit tandaang hindi ito dapat madaliin, go slowly but surely. Mag-set ng budget para sa investment at regular intervals– once a month halimbawa. Subukan rin maginvest hindi lamang sa isang institusyon, the more the merrier sa pag spread out ng iyong investments, binibigyan mo ng mas malaking chance ang iba’t ibang sektor o kompanya para mapalago ang iyong investment. Maganda ring magsimula nang mas maaga sapagkat ang mga interes ng mga investments ay palaki ng palaki throughout time.
- FIND WAYS TO EARN MORE
Hindi mo kailangang mag-enroll sa pinakamahusay o pinakamagarang business schools sa inyong lugar, kelangan mo lamang ng tamang stratehiya o diskarte upang mapalago ang iyong assets. Huwag iasa ang iyong buong income sa iyong trabaho, dapat ay may backup o extra income upang balang araw ay maaari mong “palitan” ang iyong 9-5 job with passive income mula sa iyong mga naipundar.
Article written by Karen Hazel Paran