
Sinuspinde na ng Land Trasportation Office ang lisensiya ng SUV driver na sumalpok sa NAIA Terminal 1 kaninang umaga, May 4.
90 days preventive suspension ang ibinababa ng LTO kasunod ng show cause order sa may-ari ng sasakyan na nakapangalan sa rehistro nito.
Agad din namang ipinapa-surrender ng LTO sa SUV driver ang lisensiya nito, na kasalukuyang nasa kustodiya ng Parañaque City Police.
Nakikiramay din ang LTO sa pamilya ng mga nasawing bikitma ng aksidente sa nasabing paliparan.
Facebook Comments