5 hanggang 30 oras na water interruption, mararanasan ng mga kustomer ng Maynilad

Mawawalan ng supply ng tubig ang ilang customer ng Maynilad Water Services, Inc. sa Semana Santa.

Ilan sa mga maapektuhan ng scheduled water interruption ang Bacoor, Las Piñas, Malabon, Parañaque, Pasay, Quezon City at Valenzuela.

Ayon sa Maynilad, magsasagawa sila ng ilang water network enhancement activities, kabilang ang facility maintenance works, pipe decommissioning, pipe interconnections at valve replacements.


Isasagawa nila ito mula Martes Santo (April 16) hanggang Sabado de Gloria (April 20).

Sinabi ni Maynilad Water Supply Operations Head Ronaldo Padua – ang haba ng service interruptions ay magkakaiba sa iba’t-ibang lugar na posibleng umabot sa lima hanggang 30 oras.

Humingi naman ng paumanhin ang Maynilad sa mga customer nito, pero tiniyak na pagbubutihin ang water services sa mga lugar na sakop nito.

Pinapayuhan din ang mga apektadong residente na mag-imbak ng tubig na magtatagal ng hanggang tatlong araw.

Naka-stand by na rin ang 40 water tankers para maghatid ng tubig sa mga apektadong lugar.

Ang Maynilad ang largest private water concessionaire sa Pilipinas.

Facebook Comments