Arestado ang limang kabataan matapos maaktuhang nagti-TikTok daw sa loob ng sementeryo sa Zamboanga City kahit umiiral pa ang enhanced community quarantine.
Batay sa imbestigasyon, nakita ng ilang residente na nasa ibabaw ng nitso ang mga inaresto habang kinukunan ng video ng kanilang mga kasamahan sa San Roque Public Cemetery nitong Linggo.
Ayon kay Capt. Edwin Duco, tagapagsalita ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), kabilang ang lima sa 70 ECQ violators na dinakip ng pulisya.
Dinala muna sila sa presinto para bigyan ng ticket, pinapunta sa city’s legal office at pinagbayad ng multa sa treasurer’s office.
Binigyan din ng lecture at sumailalim sa community service ang mga sumuway sa ECQ.
Pumapalo sa P500 hanggang P5,000 ang multa sa mga sumusuway, depende sa bigat ng kasalanan.
Ipinatupad ang total lockdwon sa siyudad tuwing Linggo upang magsagawa ng disinfection.