Bilang ng mga COVID-19 cases sa bansa, nadagdagan ng 198; mga gumagaling sa sakit, halos 1,000 na

57

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 198 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay mayroon na tayong 7,777 COVID-19 cases.

10 naman ang naidagdag sa mga nasawi na umabot na sa 511.


Sa kabila nito, patuloy aniya ang pagdami ng mga gumagaling sa sakit na nadagdagn ng 70 recoveries at ngayon ay nasa 932 na.

Facebook Comments