5-kalaboso sa Search Operation ng PNP sa bayan ng Polomolok

General Santos City—Lima ang arestado sa isinagawang search warrant operation sa inilusad na One Time Big Time ng RMFB, RPDEU-12 at Polomolok PNP sa bayan ng Polomolok alas 5:00 ng madaling araw kung saan target ng operasyon ay ang Illegal Drugs, baril at Explosive.

Kalaboso sina Suharden Paraloma, Raymond Macaludos Paraloma parehong residenti ng Purok Maguindanao, Brgy. Lumakil, Polomolok, South Cotabato matapos silang nakunan ng limang sachet ng pinaniniwalaang shabu, Drug Paraphernalia’s isang unit ng fragmentation grenade.

Samantala matagumtang namang nakatakas ang suspek na si Solaiman Paraloma matapos nakatunog sa presensya ng PNP.


Kalaboso din ang isang Adrian Abanes, legal age, at Butch Soberano na residenti ng Barangay Poblacion, Polomolok; habang arestado din si Japhet Damayo matapos nakunan ng 33 pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang kakaharapin nina Abanes, Soberano at Damayo habang kasong paglabag sa RA 9165 at Illegal Possession of Explosive ang isasampa laban sa magkapatid na sina Raymond at Suharden Paraloma ganoon din sa nakatakas nilang kapatid na si Solai,am Paraloma.

Facebook Comments