5 Kalalakihan, nahuli sa pagsusugal ng ‘Tong Its’

*Cauayan City, Isabela*- Inaresto ng mga awtoridad ang limang (5) kalalakihan matapos maaktuhan na naglalaro ng baraha o ‘tong its’ pasado 12:15 kahapon sa Brgy. Abut, Quezon, Isabela.

Itinago sa pagkakakilanlan ng pulisya ang mga nahuling suspek.

Ayon sa imbestigayson ng Quezon Police Station, matapos ang isinagawang mahigpit na pagbabantay sa lugar ay nagresulta na ng pagkakahuli sa mga suspek.


Narekober sa mga suspek ang pitong (7) piraso ng lamesa, 46 piraso ng upuan, labin-isang set ng card games(baraha) at per ana tinatayang nasa mahigit tatlong libong piso (P3,000.00).

Sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Gambling) ang mga suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya matapos bigong magpiyansa ng P30,000. 00 bawat isa.

Facebook Comments