Welder, Nahulihan ng Pinatuyong Dahon ng Marijuana

*Cauayan City, Isabela*- Naaresto ang isang welder na itinuturing na high valie target matapos magpositibo ang inihaing search warrant laban sa kanya sa Brgy. Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang suspek na si Jejomar Sumang Sumo alyas Jae Jomar Sumang Sumo, 33 anyos, may asawa, at residente ng Viloria Street, Purok 4, Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay Provincial Director Job Russel Balaquit ng Kalinga Police Provincial Office, kabilang ang suspek sa mga sumuko noong Setyembre 8, 2016 hanggang sa mapabilang sa High Value Target nito lamang Marso 6 ngayong taon.


Narekober ka Sumo ang isang (1) plastic na naglalaman ng pinatuyong dahoon ng marijuana at dalawang (2) supot ng ground marijuana at mga drug paraphernalia.

Tinatayang tumitimbang ng 120 gramo at may market value na P14, 400.00.

Nasampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek.

Facebook Comments