5 Kasapi ng NPA,Sumuko!

Fort Magsaysay Nueva Ecija- Limang kasapi ng New Peoples Army(NPA)na nag ooperate sa bayan ng Arayat Pampanga ang sumuko at nagbalik loob sa gobyerno.

Sa impormasyon ibinahagi sa RMN NEWS Cauayan ni 1st Lt. Catherine Hapin, Chief Division Public Affairs office ng 7th ID Phil.Army na nakabase sa Nueva Ecija, Pasado alas dose kahapon ng tanghali ng sumuko ang mga rebelde kay Mayor Norberto Gamboa ng Santa Ana ,Pampanga sa pakikipagtulungan ng 48th IB na nakabase sa Pampanga,

Ayon pa sa ulat kasamang isinuko ng mga rebelde ang ilang mga baril tulad ng isang improvised shotgun,isang 9mm pistol at tatlong caliber 30 pistol,nakatakda naman isailalim sa mga programa ng pamahalaan ang mga sumuko at agad na prinoseso ang mga tulong pinansyal na ipinagkakaloob pamahalaan sa mga sumusukong rebelde upang makatulong sa kanilang pagbabagong buhay.


Pinasalamatan naman ni MGen. Felimon T.Santos ang commanders ng 7thID si Mayor Gamboa dahil sa determinasyin nito sa pagtulong sa mga sumusuko na mga myembro ng NPA sa kanyang nasasakupan.

Magugunita na noong nakaraan buwan ng Enero ay sumuko rin kay mayor Gamboa ang 7 mga kasapi ng NPA at napagkalooban din ng tulong

Facebook Comments