PBA | San Miguel Beermen at Barangay Ginebra, magtatapat para sa kanilang best of seven semifinal series

PBA – Magsisimula na mamayang ala-siyete ng gabi ang banggaan ng defending champion San Miguel Beermen at crowd favorite Barangay Ginebra sa pagsisimula ng kanilang best of seven semifinal series sa Big Dome.

Malaki ang magiging epekto sa laro ang muling pagtatapat nina four-time league MVP June Mar Fajardo at ang kapwa niya Cebuano at higante rin si Greg Slaughter.

Hindi pa matiyak kung makakalaglaro si Slaughter sa game 1 dahil galing ito sa injury pero kung si Coach Tim Cone ang masusunod si Slaughter lamang ang kaniyang tapatan ang lakas ni Fajardo sa ilalim.


Target ng Beermen na makuha ang ikaapat nilang sunod na Philippine Cup title ng LIGA pero dadaan sila sa butas ng karayon laban sa Gin Kings.

Facebook Comments