5 Katao na Wanted sa Batas, Arestado sa operasyon ng Pulisya

Cauayan City, Isabela- Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng mga otoridad ang limang (5) katao matapos isilbi ang warrant of arrest sa ilang lugar sa Probinsya ng Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Jesusa Purification, 52-anyos, isang negosyante at residente ng Brgy. Labinab, Cauayan City, Isabela.

Dinakip si Purificacion dahil sa kasong paglabag sa National Internal Revenue at may inilaang piyansa na nagkakahalagang P24,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.


Bukod dito, inaresto din si Sherwin Cabaldo, 33-anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy. Bisag, Palanan, Isabela para sa kasong pagnanakaw habang nirekomenda ang P10,000 piyansa para sa kalayaan nito; Julieta Lorenzo, 60-anyos na residente ng Brgy. San Andres, Cabatuan, Isabela at nahaharap sa kasong Qualified Theft.

Naaresto din sina Myrno Josue Manarang, 68-anyos na residente ng Brgy. Labinab Pequeño, Reina Mercedes, Isabela na nahaharap sa kasong R.A.1059.

Nakumpiska kay Manarang ang isang caliber 45 ARMSCOR M1911 Pistol at mga mga bala.

Nadakip din si Reynante Sadaran,36-anyos na residente ng Brgy. San Manuel, Naguilian, Isabela dahil naman sa kasong nakumpiskahan din ito ng kalibre ng baril at mga bala.

Nananatili sa kustodiya ng mga pulis ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments