Lalaking nagtangka umanong gahasain ang pamangkin, napatay ng 3 anak

2613

Napatay ang isang lalaki ng sariling mga anak matapos umano nitong tangkaing halayin ang pamangkin sa La Castellana, Negros Occidental.

Ayon sa pulisya, Sabado nang pasukin ng 60-anyos na biktima ang kuwarto ng 13-anyos na pamangkin ng kanyang misis sa kanilang bahay sa Barangay Sang-ang.


Nagawa umanong makahingi ng tulong ng menor de edad, dahilan upang komprontahin ng tatlong magkakapatid, edad 18, 26 at 37, ang kanilang ama.

Nang magkainitan, pinagtulungang hampasin ng mga anak ang ama ng kahoy sa ulo at ibang bahagi ng katawan, na sanhi ng pagkamatay nito.

Napag-alaman na nakararanas ng nervous breakdown ang nasawi at kapag sinusumpong ay sinasaktan din umano nito ang misis.

Nasa kostudiya naman na ng pulisya ang tatlong magkakapatid na sumuko noong Linggo.




Facebook Comments