95th IB, Nakasabat ng mga Iligal na Kahoy!

Cauayan City, Isabela- Limang (5) katao ang inaresto ng ma otoridad matapos na mabisto ng kasundaluhan sa pagbyahe ng mga iligal na kahoy sa Brgy. Guilingan, Benito Soliven, Isabela.

Nakilala ang mga nahuli na sina Esmael Martinez, 35 anyos, Emmanuel Serrano, 26 anyos, Jetlee Paguie, 18 anyos, kapwa residente ng Brgy Dicamay, San Mariano, Isabela, at dalawang taga brgy Rogus, Cauayan City na sina Jeoffrey Dauin, 18 anyos, at Roso Callueng, 39 anyos.

Dakong alas 11:00 kagabi nang maharang sa Quarantine Assistance Station (QAS) ang isang Isuzu Forward Elf na may plakang REW502 na minamaneho ni Serrano na naglalaman ng tinatayang 2,500 board feet ng kahoy (Red Lawaan) na natakpan ng mga sako ng mais.


Nabatid na walang kaukulang dokumento ng mga kahoy mula sa kinauukulan ang mga suspek.

Dinala ang limang nahuli sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments