5 katao, nahulihan ng ilegal na droga sa kabila ng ipinatutupad na ECQ

Tuloy tuloy ang isinagawang operation ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng EPD sa kabila ng mahigpit na ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine ay walang tigil pa rin ang paggamit ng ilegal na droga ng limang katao sa #2650 GSIS Road, Brgy. Rosario, Pasig City.

Kinilala ang mga suspek na naaresto sa isinagawang buy-bust operation na sina Rowena Seroy, 39 anyos, Benjamin Rodrigo, 52 anyos, Jeffrey Rendal, 38 anyos, Liezel Hibay, 40 anyos, at James Benavidez, 41 anyos,

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng ECQ kung saan nakuhanan ng 6 pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 25 gramo na nagkakahalaga ng Php 170,000.00, 1 pirasong digital weighing scale, 1 pirasong gunting, 1 kulay itim na pouch, at Php 500.00 buy-bust money.


Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments