Mga uuwing OFWs sa Valenzuela, kailangang mag-quarantine at covid test

Naglatag ng health protocols ang Valenzuela City Government para sa mga uuwi sa lungsod na Overseas Filipino Workers o OFWs at mga lokal na turista.

Sila ay kabilang sa mga sweeper flight ng Department of Tourism o DOT.

Una sa patakaran ay ang pakikipag-ugnayan ng mga ito sa Tourisim Office para sa koordinasyon at monitoring.


Ikalawa ay ang pagsailalim sa quarantine sa mga isolation unit sa Valenzuela kung saan provided ng pamahalaang lokal ang pagkain at hygiene kit.

Dapat din silang sumailalim sa PCR covid test na pangangasiwaan ng Valenzuela City Government.

Ang magne-nagatibo sa test lamang ang papayagang makauwi sa kanilang tahanan.

Facebook Comments