5 Katao, Natimbog sa Magkakahiwalay na Anti-Illegal Drugs Operation ng Pulisya

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang limang katao sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya kaugnay sa kalakaran ng iligal na droga sa Rehiyon Dos kahapon (January 13, 2019).

Kinilala ang mga suspek na sina *Jayson Silverio*, 32 anyos, may asawa, isang operator at residente ng Brgy. Namnama, Cabatuan, Isabela habang nakumpiska sa pag iingat nito ang isang (1) pakete ng hinihinalang shabu at P1,000.00 na buy-bust money; *Marlon Beran*, 27 anyos, binata at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Sta. Barbara, Ilagan City, Isabela at nakumpiska sa suspek ang apat (4)na pakete ng hinihinalang shabu at cellphone na hinihinalang ginagamit nito sa iligal na transaksyon.

Samantala, dinakip din sina *Ana Katrina Lattao*, 31 anyos, walang asawa at isang tricycle at residente ng Brgy. Caritan Sur, Tuguegarao City, Cagayan habang nakumpiska sa suspek ang isang (1) pakete ng shabu, cellphone at P1,000.00 na buy bust money at kanyang tricycle na ginagamit*; Thon Vincent Polangco*, 26 anyos, dating miyembro ng PNP simula pa noong 2015 (AWOL) at residente ng Brgy. Bacarena, San Mateo, Isabela at nakumpiska sa suspek ang pinatuyong dahon ng marijuana na nakasilid sa pakete ng sigarilyo at dalawang pakete ng shabu at P1,000.00 na buy-bust money at tatlong libo na boodle money at isang cellphone at si *Roberto Collantes, *45 anyos, isang butcher at residente ng Brgy. Anao, Cabagan, Isabela habnag nakumpiska sa pag iingat ni Collantes ang isang pakete ng hinihinalang shabu at isang P500.00 na buy bust money.


Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang suspek.

*tags:98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN,*RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act OF 2002 , Roberto Collantes , Ana Katrina Lattao , Marlon Beran, Thon Vincent Polangco, Jayson Silverio, PRO2, Cauayan City, Luzon

Facebook Comments