5 Madaling Paraan Para Pumuti Ang Iyong Ngipin

Matipid na Pamamaraan Sa Pagpapaputi ng Ipin

Madalas tayong ma-bully o maasar nang dahil sa madilaw nating ngipin o mas kilala bilang sa tawag na “Tartar”. Gusto naman natin magpadentista para magpaputi ng ipin kaso nga lang hindi kaya ng budget. Kaya narito ang ilang mga matipid na pamamaraan nang pagpapaputi ng ipin na alam kong makatutulong sainyo.

 

Baking Soda at Kalamansi


  • Ang baking soda at kalamansi ay hindi lang pampaputi ng damit at ng kutis kung pampaputi lang ang pag-uusapan. Kakailanganin mo ng tatlong kutsara ng baking soda, tamang dami ng kalamansi juice para makagawa ka ng paste at syempre toothbrush.
  • Paghaluin ang baking soda at kalamansi juice para makagawa ng malapot na paste. Punasan ang bibig at alisin ang laway gamit ang tissue o paper towel. Maglagay ng paste sa toothbrush at ipahid ito sa ipin. Hayaan ang paste sa loob ng eksaktong isang minuto at banlawan ng tubig upang hindi masira ng asido sa kalamansi ang enamel ng ngipin.

 

Lemon o Balat ng orange

 

 

  • Kilala ang orange bilang prutas na nagbibigay ng Vitamin C sa ating katawan na nakatutulong din upang gumanda ang ating mga kutis. Ngunit ang balat ng orange ay magagamit din sa pagpapaputi ng ipin, Ang mga citrus fruits na kagaya ng lemon at orange ay may taglay na acid na napatunayang mabisang pampaputi ng ngipin. Paano ba ito gamitin? Kunin ang balat ng lemon o orange peel, ikaskas sa ngipin sa loob ng isa hanggang dalawang minuto at saka magmumog ng tubig. Gawin ito tatlong beses sa isang linggo para sa mas epektibo at mabilis na resulta.

 

 

 

Apple cider vinegar at maligamgam na tubig

  • Kilala ang Apple cider vinegar bilang pampapayat nakatutulong kasi ang acetic acid nito na maglabas ng calories mula sa katawan at ilalabas bilang dumi o ihi. Ito rin ay ginagamit bilang disinfectant at natural cleaning product . Ang acetic acid na main active ingredient ng apple cider vinegar ay epektibong pumapatay ng bacteria. Ang antibacterial property ng vinegar ang naglilinis ng iyong bibig at nagpapaputi ng iyong ngipin.
  • Maglagay lamang ng 3 kutsarang Apple Cider Vinegar sa baso at lagyan ng 2 kutsarang tubig at imumog sa bibig ng isa hanggang dalawang minuto.

 

 

 

Kumain ng pagkaing mayaman sa calcium

  • Ang Paninilaw ng ipin ay sanhi ng tooth discoloration. Nawawala ang enamel ng ipin na siyang nagpapalabas sa dentin o ang dilaw sa ilalim ng ating mga ngipin. Kaya kumain ng mga gulay na mayaman sa Calcium gaya ng Gatas, Keso at Broccoli.

 

 

 

Asin

  • Ang asin ay hindi lang nilalagay sa mga putaheng inihahanda sa ating hapagkainan. Alam niyo bang nakakaputi rin ito ng ngipin? Paano?
  • Dahil may kemikal ang asin na nakatutulong na magbalik o magbigay ng mga kemikal na nawala sa iyong ipin.
  • Kumuha lamang ng isa’t kalahating kutsarita ng asin at ilagay sa toothbrush. Mag iingat lamang kung ikaw ay may singaw dahil napakahapdi nito pag dumapo ito sa iyong singaw.

 


Article written by James De Jesus

Facebook Comments