Patuloy ang paghahanap sa 5 nawawalang mga mangingisda sa karagatang sakop ng Samar dahil sa pananalasa ng Bagyong Jolina.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Undersecretary Ricardo Jalad na naabutan ang mga ito sa laot ng bagyo.
Sa ngayon ani Jalad, 12 mangingisda na ang nasagip.
Maliban dito ay wala namang iba pang casualty ang naitala.
Kasunod nito, dahil sa bumubuting lagay ng panahon ay unti-unting nagsisipagbalikan ang mga nagsilikas na mga residente.
Samantala, pinayuhan ni Jalad ang mga ito na wag magpakampante dahil nasa bansa na ang Bagyong Kiko.
Abiso nito sa lahat na palaging makinig sa weather advisory at kapag pinayuhan ng Local Government Unit (LGU) na lumikas ay wag nang magdalawang-isip pa.