*Cauayan City, Isabela*-Umabot na sa limang katao ang naitalang sugatan ng Isabela Police Provincial Office dahil sa paputok kaugnay sa Pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay P/Capt.Frances Littaua, tagapagsalita ng IPPO, Kabilang aniya sa mga biktima ng paputok ay mga menor de edad matapos maputukan sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan gaya sa magkabilang paa at labi na pangunahing pinagmulan ng mga sugat nito ay ang Kwitis, Baby Rocket Kwitis at Luces.
Agad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima para sa atensyong medikal.
Samantala, Inaresto ang isang Abogado matapos magpaputok ng baril pasado alas dos y media kaninang madaling araw at kanya ring pinaputukan ang mga rumespondeng pulis sa Brgy. Quirino, Solano, Nueva Vizcaya
Kinilala ang suspek na si Atty. Alvin Endrinal, 39 anyos at residente sa nasbaing lugar.
Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang kapulisan sa isang concerned citizen mula Purok Ilang ilang matapos itong magpaputok sa kanyang Apartment.
Lumabas pa imbestigasyon ng Solano Police Station na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin si Endrinal nang maganap ang nasabing insidente.
Narekober naman sa kanyang pagiingat ang isang Cal. 40 Taurus pistol at nakuha din sa pinangyarihan ang 14 na basyo ng nasabing kalibre ng baril.
Inihahanda na ng PNP Solano kasong indiscriminate firing, attempted murder at paglabag sa RA 10591 o New Firearms Law laban sa abugado.