5 Militia ng Bayan, Sumuko sa Militar; ilang Matataas na Kalibre ng Baril Isinuko rin!

108

*Cauayan City, Isabela- *Sumuko kahapon sa kampo ng 95th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang limang (5) Militia ng Bayan o MB ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Kasama rin sa mga isinuko ng 5 na MB sa mga CSP Operators ng 95th IB ang mga bitbit na dalawang (2) M16 rifles, isang (1) M14 rifle, isang Cal 38 pistol at tatlong (3) Improvised Explosive Device (IED).


Batay sa naging pahayag ng mga sumuko na hindi pa pinangalanan, pinagdesisyunan umano ng mga ito ang kanilang kusang pagsuko at pagsurender sa kanilang mga armas.

Magugunita na nitong mga nakaraang araw ay sumuko rin sa 95th IB ang dalawang Militia ng Bayan kasama rin ang kanilang mga armas at mga subersibong dokumento.

Sa ngayon ay pinoproseso na ang ibibigay na ayuda mula sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na ipinangakong tulong ng pamahalaan para sa limang MB na sumuko.

Facebook Comments

From Advertisers