Inihayag ng Department of Tourism Region 1 ang target na maabot ang 5 million Tourist Arrival sa rehiyon sa 2028 base sa National Tourism Development Plan.
Noong 2024, nakapagtala ang tanggapan ng 1,856,674 tourist arrivals na mayroong 1.51 percent growth rate mula sa 1,829,108 tourist arrivals noong 2023.
Ayon sa datos ng tanggapan, nanguna ang Bolinao sa pinaka binisita sa Ilocos Region na may 232,584 guest arrivals sinundan ng San Juan, La Union na may 211, 234 arrivals.
Positibo ang tanggapan na madadagdagan pa ang tourist arrival at receipts ngayong taon kasunod ng mga ipinatutupad na proyekto mula sa transportasyon at tour packages upang mapalago pa ang turismo.
Hinihikayat naman ng tanggapan ang mga turista na magpalista o magpabook sa mga tour sites ng bawat pasyalan na planong puntahan upang maayos na mailatag ang kabuuang datos sa bilang ng mga tourist arrivals sa Ilocos Region. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









