Umpisa na nang pasiklaban ng aabot sa 3,000 manlalaro at coaches sa buong rehiyon sa pagsisimula ng Region 1 Athlete’s Association Meet 2025 ngayong araw, March 10.
Bilang host municipality, maaga nang inilatag ng lokal na pamahalaan ng Bacnotan, La Union ang pagkakasunod-sunod ng iba’t-ibang sports na gaganapin sa mga covered courts at pasilidad ng mga barangay.
Ilan sa mga sports na paglalabanan ng mga manlalaro ang billiards, basketball, dancesport, gymnastics, softball, sepak takraw, taekwondo, archery at boxing.
Sa Pangasinan, aabot sa isang libong student-athletes at coaches mula sa Pangasinan 1 at 2 Division Offices ang puspusang naghanda para sa pinakaabangang kompetisyon.
Dahil dito, isasara rin ang ilang lansangan sa bayan bukas upang bigyang daan ang Grand Parade ng mga delegado. Nag-abiso na rin ang lokal na pamahalaan sa mga alternatibong Ruta para sa mga motorista.
Pinaigting naman ng lokal na pamahalaan ang koordinasyon sa ibang ahensya para sa seguridad , logistics at transportasyon ng mga delegado sa venue na magtatagal hanggang Sabado.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨