5 Milyong Piso, Ipinamahagi ni Sen. Bong Go sa Cagayan Valley Medical Center

79

*Cauayan City, Isabela*-Ipinagkaloob ni Senador Bong Go ang P5 milyong financial assistance kasabay ng pagbubukas ng Malasakit Center sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City, kahapon.

Ayon kay Go, nangako ito na magbibigay pa siya ng karagdagang P5 milyon para sa programang Medical assistance for indigent patients sa naturang pagamutan.


Ang Malasakit Center ay magisisilbing one-stop shop para sa mga nangangailangan ng tulong-medikal at pinansyal mula sa tanggapan ng PhilHealth, Philippine Charity Sweepstakes Office at Department of Social Welfare and Development.

Matatandaang may akda ng Malasakit Center Act si Go na layong matulungan ang mga pasyente na hindi kayang bayaran ang gastusin sa ospital, matiyak ang zero balance billing at magtatag ng express lane para sa mga senior citizen.
Bukod dito, pinangunahan din ni Sen Go kasama si Presidential Adviser for the Visayas Sec. Michael Lloyd Dino ang pagbubukas ng free wifi access sa pagamutan.

Dumalo din sa naturang aktibidad si Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng CVMC, Cagayan Governor Manuel Mamba, Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, 3rd District of Cagayan Rep. Jojo Lara, Isabela Governor Rodito Albano III at Vice Governor Bojie Dy III at pinuno ng mga national agencies sa rehiyon.

Facebook Comments