Motorsiklo Nahagip ng Van sa Cauayan City: 1 Patay, Nobyo Sugatan

197

*Cauayan City, Isabela*- Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan ang isang babae matapos aksidenteng masagi ng isang SUV ang minamanehong motorsiklo ng magkasintahan bandang 2:10 kaninang madaling araw sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Ivy Joyce Juan, 20 anyos at residente sa nasabing lugar habang sugatan ang nobyo nitong si Rendel Paul Raposas, 20 anyos at residente ng Brgy. Nappacu Pequeño, Reina Mercedes, Isabela.


Habang kinilala naman ang suspek ng Toyota Hi-Ace Van na si Grant Angelo Mercado,20 anyos, binata at residente ng Brgy. Harana, Luna, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, binabagtas ng magkasintahan ang pambansang lansangan ng mag overtake ang isang Van sa kasunod na sasakyan at nawalan ito ng kontrol sa manibela na aksidente namang nabundol ang motorsiklo ng magkasintahan.

Napag alaman pa na galing sa lamay ang magkasintahan lulan ng kanilang Yamaha Mio ng maganap ang hindi inaasahang aksidente.

Nakatakda namang sampahan ng kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide ang suspek na si Mercado.

 

tags:Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela, Cauayan City, Luzon

Facebook Comments