5 milyong registrants sa National ID, target ng pamahalaan sa katapusan ng taon

Minamadali na ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Philippine Statistics Authority (PSA) ang paglulunsad ng Philippine Identification System (PhilSys).

Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, target nila na makaparehistro ang nasa limang milyong Pilipino sa katapusan ng 2020.

Aniya, nasa proseso na sila ng automated biometric information system o ABIS ng PhilSys o National ID Program.


Katuwang din nila ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pag-eevaluate ng mga bids.

Sa ilalim ng National ID System, pag-iisahin sa iisang ID ang lahat ng Government IDs at nilalaman ito ng PhilSys number, buong pangalan, petsa ng kapanganakan, blood type, address, facial image at kasarian.

Facebook Comments