Pasado alas-2:00 ng hapon, sumuko ang limang kababaihan na sina alyas Maria, 61 anyos, may-asawa; alyas Manda, 54 anyos, balo, isang brgy. health worker; alyas Linda, 48 anyos, isa ring balo; Jackie, 46 anyos, may-asawa at si Kimberly, 45 anyos, isa ring balo at pawang mga residente ng Brgy. Tupanna, Pamplona, Cagayan.
Batay sa ginawang interogasyon sa limang sumuko, taong 2016 ng isang Emy Biscaro alyas Lyka/MIMI, Vice-Chairman ng Amihan-Cagayan at Treasurer ng Anak Pawis Farmer Organization kasama ang ilang miyembro ng Kagimungan sa kanilang bayan ang bumisita sa kanilang barangay at namigay ng mga relief goods, palay seeds at mga abono.
Dito umano sila hinikayat ng grupo na sumali sa kanilang organisasyon kapalit ng financial assistance at pagpapatigil ng dredging sa kanilang lugar.
Samantala, ang pagsuko ng mga ito ay resulta ng walang tigil na pagsasagawa ng kampanya laban sa insurhensiya gaya ng community relations activities ng mga awtoridad.