5 Miyembro ng Cheerdance, Nalason sa Kinaing Siomai

*Cauayan City, Isabela*- Nagpapagaling ngayon sa kanilang mga tahanan ang limang mag aaral na miyembro ng Cheerdance matapos sumakit ang tiyan dahil sa kinaing Siomai sa Bayan ng Baggao, Cagayan.

Una rito, nagpalipas ng gabi ang nasabing team sa Barangay Hall ng Paranan matapos magperform sa isang piyesta at ilang sandal pa ay nagtungo ang mga estudyante sa isang tindahan para kumain ng Siomai pero makalipas ang ilang oras ay bigla na lamang nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka.

Ayon sa sumuring Doktor, positibo ngang kontaminado ang pagkain dahilan ng kanilang naramdamang pananakit.


Agad namang kumuha ng sample ang mga rumespondeng medical team ng Lokal na Pamahalaan ng Baggao sa mismong tindahan kung saan kinain ng mga ito para isailalim sa pagsusuri.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa insidente.

Facebook Comments