Bilang magulang, mahirap mag-budget lalo na kung may anak ka pang nag-aaral at mayroong maraming pangangailangan. It’s not easy being a parent, but there are ways para makapag-ipon tayo ng pera habang pino-provide ang pangangailangan ng buong pamilya.
Here are some tips para sa ating mga super mommies and daddies:
- Weekly Allowances vs. Daily Allowances
Ito ang madalas pino-problema ng mga parents; instead of giving them their daily allowances, mas practical ang pagbibigay ng allowance every week since mae-expose ang bata sa pagba-budget at mas makakatipid pa lalo na kapag natuto silang mag-ipon.
- Pag-isipan muna ang luho.
Sabi ni Ofelia Tordesillas, M.D., kung ang ginagastos niyo sa luho ay more than 10% ng kita mo, wag mo munang bilhin unless investment yan para sa future ng mga anak mo tulad ng paupahang bahay, education, at iba pa. Hindi naman pwedeng maliit na nga kita mo, maluho at magastos ka pa. Dapat tamang balanse lang ng luho at ng pag-iipon.
- Tignan muna ang mga kailangan bago bumili.
Tulad ng groceries, tignan muna kung meron pa yung mga kailangan ninyo bago kayo bumili ng bago. Pati rin mga gamit sa bahay tulad ng mga damit, office/school supplies, at iba pa. It’s also better to recycle; for example, mga used notebooks na may natitirang pages. Pwedeng i-recycle at gawan ng panibagong notebook ang mga natirang pages. Wag lang gastos nang gastos dahil lang kailangan mo ngayon, matuto din dapat mag-recycle ng gamit.
- Tigilan na ang bisyo.
Ito ang pinaka-main source kung bakit dumadagdag ang gastos every month ng mga mommies and daddies natin. Kung mayroon man kayong bisyo tulad ng pag-iinom o paninigarilyo. Hindi lamang makakabuti ito sa kalusugan ninyo, makakabuti din ito sa budget ninyo every month. Isipin niyo nalang kung gumagastos kayo ng 50 pesos per day, 350 pesos per week, 1,400 pesos per month, and 16,800 pesos per year ang nagagastos mo kapag pinagpatuloy niyo pa ang bisyo ninyo. So save your health and save your wallet from spending too much and spending on hospital bills.
- Money is not everything.
Saving up may seem like it’s everything, but it’s not. Okay lang magkaroon ng prinsipyo sa buhay; magkaroon ng bahay at lupa, 6 digit na amount sa bangko, sasakyan at kung ano ano pa. Pero wag niyong kakalimutan ang tunay na mahalaga; ang pamilya. Wala nang mas mahalaga pa sa kalusugan ng pamilya at ang pagmamahalan na hinding hindi mapapantayan ng iba.
Article written by Patrize Jasel Culang