5 MYEMBRO NG NPA SUMUKO SA MILITARY SA SOUTH COTABATO AT SARAGANI

11

[image: IFM 919 Logo (1).jpg]
GENERAL SANTOS CITY – Limang miyembro ng New People’s Army ang sumuko sa militar sa South Cotabato at Sarangani province.

Ito ay kasunod ng matagumpay na raid ng pinagsanib na pwersa ng 1204th Mobile Force Company at 27th Infantry Battalion sa Barangay Nalus, Kiamba, Sarangani.

Sa nasabing pagbalik-loob ng mga rebelde isinuko nila ang kanilang mga armas kabinlang ang dalawang m14 rifles, isang garand, isang grenade launcher, tatlong hand grenades at dalawang 40 mm rounds.

Pahayag ni 27IB Commander Lieutenant Colonel Jones Otida na ang pagbaba ng moral ng mga teroristang NPA ay patunay at bunga ng pagsusumikap ng pwersa ng pamahalaan.

Facebook Comments