5 nabubulok na bangkay, 1 kalansay natagpuan sa isang bangin sa Benguet

822

Narekober ang limang nabubulok na katawan ng tao kabilang ang isang kalansay sa isang bangin na may taas na 30-metro sa Tuba, Benguet, Martes.

Ayon sa inisyal na report ni Police Maj. James Acod, chief of police ng naturang lugar, nakita ang mga bangkay sa Sitio Payopoy, Taloy Sur, Marcos Highway.


Sinabi nito na isang residente raw ang lumapit sa pulisya bandang alas 10:30 ng umaga dahil sa mabahong amoy sa kanilang lugar.

Agad umanong nagtungo ang dalawang pulis para alamin ang pinagmumulan ng amoy at dito nila natagpuan ang dalawa sa mga bangkay.

Matapos ang paghahanap ay tatlo pang bangkay at isang kalansay ang nakita pa nila sa lugar bandang alas 4:20 ng hapon.

Dinala nila ang naturang katawan sa highway sa tulog ng municipal police, Bureau of Fire Protection, at ang private rescue group 911.

Sinasabing babae ang isa sa mga narekober at ang natitira ay tila nabubulok na.

Saad pa ni Acod, ilan raw sa mga residente mula Ifugao province ang naiulat na nawawala sa nakalipas na mga linggo.

Inaalam pa ng pulisya kung ang mga narekober na katawan ay biktima umano ng summary killings.

Facebook Comments

From Advertisers