Dating Senate President Nene Pimentel, bumubuti na ang kondisyon

143

Bagama’t nananatili sa intensive care unit o ICU ay bumubuti na ang kondisyon at nagiging maayos na ang vitals signs ni dating Senate President Aquilino Nene Pimentel Jr.

 

Ito ang sinabi ng kanyang panganay na anak na si Commission on Human Rights o CHR Commissioner Gwen Pimentel Gana.


 

Si Pimentel ay na-ospital mula nung nakaraang linggo makaraang mahirapan sa paghinga dahil sa pneumonia.

 

Tumanggi ang pamilya Pimentel na ianunsyo kung nasaang opsital ang kanilang ama para sa privacy bukod pa sa ipinagbawal muna ng mga doktor ang bisita.

 

Nagpapasalamat ang pamilya pimentel sa bumubuhos na suporta at pagdarasal para sa tuluyang pag-ganda ng kondisyon ni dating SP Nene.

Facebook Comments

From Advertisers