5% ng mga lumabag sa health protocols, sinampahan na ng kaso ayon sa DILG

Sinampahan na ng kaso ang aabot sa limang porsyento (5 percent) na mga nahuling indibidwal matapos lumabag sa health protocols partikular na ang hindi maayos na pagsusuot ng face mask.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, batay ito sa datos ng lahat ng mga lumabag sa buong bansa matapos ibalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR plus.

Tinatayang nasa 80 percent naman ng mga indibidwal ang dinakip at binigyan lamang ng warning ng pulisya.


Sa ngayon, mula May 12 hanggang 16 aabot na sa 32,867 indibidwal ang hinuli dahil sa paglabag sa health protocols.

Kabilang sa mga ito ang 15,556 na binigyan ng warning, 14,066 ang pinagmulta, 2,308 ang nag-community service, 240 ang kwinestiyon, at 697 ang inaresto at sasampahan ng kaso.

Facebook Comments