5 pagyanig, naitala sa Bulkang Bulusan

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng limang volcanic earthquakes sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 na oras.

Mas marami ito kumpara sa naitala nitong Biyernes na sumasaklaw mula June 16-17.

Ayon sa PHIVOLCS, nagbuga ang bulkan ng 865 toneladang sulfur dioxide nitong Biyernes.


Nabuga rin ito ng usok na may 200 metro ang taas at patungo sa direksyong kanluran timog-kanluran.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan na nasa low-level unrest pero posible pa rin ang phreatic eruptions.

Muli namang nagpaalala ang PHIVOLCS na ipinagbabawal ang pagpasok sa four kilometer radius permanent danger zone (PDZ) at sa two kilometer extended danger zone (EDZ) ng bulkan.

Facebook Comments