Kung pagbabatayan ang rekord ng Philippine National Police (PNP) limang kaso ang malimit na kinasasangkutan ng mga menor de edad na naitala simula pa noong taong 2014 hanggang 2017.
Ayon kay dating PNP spokesperson at ngayon ay acting director ng Directorate for Police Community Relations o DPCR ang mga kasong ito ay ang theft, physical injuries, robbery rape at illegal drugs.
Ang edad ng mga batang ito ay 18 years old and below.
Pero aniya sa unang walong buwan ng taong 2018, nangunguna ang mga kasong reckless imprudence resulting to damage of properties, theft, physical injury at illegal drugs na kinasasangkutan ng mga menor de edad.
Patunay aniya ito na sa murang edad ay maagang namulat at nakagagawa ng krimen ang mga kabataan.
Dahil dito suportado ng PNP ang pagamyenda ng kongreso sa umiiral na Juvenile Justice and Welfare Act.
Layon ng panukalang batas na ibaba sa siyam na taong gulang ang maaaring papanagutin sa batas sakaling makagawa ang mga ito ng krimen.