Greta, inaming pinagpaplanuhan ng hindi maganda ni Kris Aquino

Manila, Philippines – Inamin ngayon ng dating aktres na si Gretchen Barreto na pinapa-planuhan daw siya ng hindi maganda ni Kris Aquino.

Ito ay matapos na ibunyag ni Gretchen na namagitan o nakialam si Kris Aquino para makalusot sa kasong tax evasion sa BIR ang kaibigan nitong businesswoman na nangyari noong nakaupo pa bilang Pangulo ng bansa ang kapatid nitong si Noynoy.

Dahil dito, gumagawa daw ng paraan si Kris para siraan sa publiko si Gretta kung saan plano din daw siyang kasuhan nito sa korte.


Sa katunayan, kinakausap pa daw ni Kris ang mga magulang at kapatid ni Gretchen na nakaalitan niya para kumuha din daw ng suporta para tuluyang wasakin ang kaniyang pagkatao.

Facebook Comments