5 patay, 4 sugatan sa bakbakan ng MILF at ISIS inspired group sa Maguindanao

Maguindanao – Lima ang patay habang 4 sugatan sa puwersa ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa panibagong engkuwentro laban sa grupo ng ISIS inspired group sa Maguindanao kahapon.

Sa impormasyong ipinarating sa RMN Cotabato ni PO2 Nasrullah Gani, imbestigador ng Datu Salibo MPS, nagsimula ang sagupaan dakong alas 5:30 ng madaling araw na tumagal hanggang kagabi sa Barangay Tee sa bayan ng Datu Salibo, Maguindanao.

Ang engkuwentro ay kaugnay sa nagpapatuloy na pagtugis ng MILF Ittihad laban sa grupo ni Esmael Abdulmalik alyas Abu Turaife ng Jamaatul Muhajireen Wal Ansar.


Isang sibilyan naman ang naitalang sugatan sa nasabing engkuwentro.

Facebook Comments