5 patay matapos barilin ng isang lalaki dahil umano sa malakas na pagsasalita

2104
(Unsplash)

YELATMA, Russia – Nasawi ang lima katao matapos paputukan ng baril ng isang lalaking nagreklamo dahil umano sa malakas na pagsasalita ng mga ito sa labas ng kanyang bahay.

Ayon sa mga pulis, nangyari ang pananambang noong Sabado ng gabi sa isang baranggay sa Yelatma, Ryazan region na kasalukuyan umanong naka-lockdown dahil sa coronavirus.


Lumalabas sa imbestigasyon na una nang nagreklamo ang suspek sa naturang grupo na may apat na kalalakihan at isang babae dahil sa ingay ng mga ito.

Nangyari ang paghaharap sa balkonahe ng suspek na nauwi umano sa mainit na pagtatalo.

Sa kalagitnaan ng argumento ay bigla raw naglabas ng baril ang suspek saka nagpaulan ng bala sa nasabing grupo na agaran nilang ikinamatay.

Base sa ulat ng Investigative Committee, ang mga biktima ay nasawi “on the spot”.

Samantala, kalaunan ay inaresto naman ang hindi pinangalanang suspek matapos mahagilap ang tinutuluyan niyang apartment kung saan narekober din ang ginamit nitong armas.




Facebook Comments