5 patay matapos bumaha ng kumukulong tubig sa basement ng isang hotel sa Russia

1313

MOSCOW – Nasawi ang lima katao samantalang hindi naman bababa sa tatlo ang isinugod sa ospital matapos sumabog ang isang hot water pipe at bumaha ng kumukulong tubig sa basement ng isang hotel.

Nangyari ang insidente sa Mini Hotel Caramel, na matatagpuan sa basement ng naturang hotel sa Russia, Lunes ng gabi, Enero 20.


Ayon sa ulat, nagtamo ng malubhang sunog sa katawan ang mga biktima matapos ang nangyari.

Naglabas na ng kaso ang imbestigador sa hotel dahil umano sa hindi ligtas na serbisyo kasabay ang pakikipag-ugnayan sa mga biktima.

Hiningan na rin ng panayam ng forensic investigators ang mga nakaligtas na nagtamo ng matinding lapnos.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng awtoridad ang pangyayari.

Facebook Comments