Isyu ng PNP kay VP Robredo tapos na ayon kay PNP Chief Police Gen Archie Francisco Gamboa

771

Wala nang problema at naka move on na ang Philippine National Police (PNP) sa naging isyu sa pagitan nila at ni Vice President Leni Robredo.

Ito ay matapos na ihayag nitong nakaraang linggo ng pangalawang pangulo na isang porsyento lamang ang nakukumpiskang iligal na droga ng PNP sa tatlong taong kampanya kontra droga ng pamahalaan.


Giit ni Gamboa naka move na sila sa kung paano na appreciate ni Robredo ang statistics kaugnay sa anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.

Para kay Gamboa case closed na ang isyu at lahat kailangan nang mag move on.

Una nang sinabi ni Gamboa na nasaktan ang PNP sa pahayag ni Robredo lalot tila sinasabi nitong failure ang kampanya kontra droga ng gobyerno.

Facebook Comments