5 patay, matapos mawalan ng preno ang isang 22-wheeler truck

Manila, Philippines – Pumalo na sa limang tao ang patay, habang 14 ang sugatan nang mawalan ng preno at araruhin ng isang 22-wheeler truck ang ilang mga sasakyan sa San Mateo Road, Barangay Batasan, Quezon City.

Sa kabuuan, tatlong babae at dalawang lalaki na ang nasawi dahil sa aksidente habang nagpapagaling naman ang mga sugatan sa Saint Matteus Hospital sa Brgy. Banaba San Mateo Rizal at Gen. Malvar Hospital sa Commonwealth Ave. sa QC.

Ayon kay QCPD station 6 commander, Supt. Rossel Cejas, galing Maynila ang truck na may kargang mga bakal at minamaneho ni Rogelio Calimutan, 47 anyos nang mawalan ng preno.
Mabilis aniya ang takbo ni kalimutan kaya’t nabangga nito ang isang tow truck, dalawang kotse, jeep at motorsiklo.
Posibleng maharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at injuries si Calimutan.


Facebook Comments