5 patay sa pamamaril sa isang bangko sa Florida

Serbing, Florida – Lima ang patay sa pamamaril sa isang banko sa Serbing, Florida.

Kinilala ang gunman na si Zephen Xaver, 21-anyos.

Ayon kay Police Chief Karl Hoglund ng Serbing Police Department – mismong ang suspek ang tumawag sa mga otoridad para sabihing nagpaputok siya ng baril sa Sun Trust Bank.


Hindi pa malinaw sa ngayon ang motibo ng pamamaril.

Samantala, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention noong 2017, pumalo na sa halos 40,000 katao ang nasawi sa Estados Unidos dahil sa madalas na mass shooting at iba pang insidente ng gun violence.

Facebook Comments